Friday, January 28, 2005

KLSP

Sino tong nakatingin?
Anghel bang magliligtas sa kin
Mga mata'y kanyang minulat sa pagdadalamhati

Hinahanap sa kung saan
Pakpak na hindi mahagilap
"ninanais ko lang naman na maging ganap"

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin

Maghahanap ka pa ba
Ng ibang taga-lupa
"aking tinig ay iyong dinggin"

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin

Mauubos din ang luha
Natutuyo at nawawala
Naglalaho rin pala

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin

2 Comments:

At 10:10 AM, Blogger alternista said...

kulang lng sa pnsin...para sa isang tao n di nmn justifiable ang mga pasaway atitudes!

 
At 1:35 PM, Anonymous Anonymous said...

actually gusto ko 'tong song na 'to, nakakarelate kasi ako...salamat sa pagpublish nito ha RED whoever you are...at gusto ko lang sabihin na para sa akin di yan para sa taong may pasaway attitude...para yan sa mga taong kulang talaga sa pansin at pagmamahal yata... peace out

 

Post a Comment

<< Home