Friday, November 10, 2006

Hayaang Maidlip

Hayaan mo munang maidlip
at huwag mong isiping
balewala ka sa akin…
at kung magdilim
huwag mong pansinin
ang panaginip kong bitin…
na makapiling lang kita…

Kahit wala sa piling
hindi mo lang napapansin
dahil itong damdaming
ikaw ang laging hiling

Gustong-gusto ko nang
makita ka’t muling nasasabik
sayo’t hindi na
makapaghintay sa’yong pagbabalik
at huwag mong isipin na
balewala sinta…
gustong-gusto ng makapiling lang kita...

hai, talaga...gusto ko na ikaw makita, makasama at...hai

0 Comments:

Post a Comment

<< Home