Thursday, January 14, 2010

Bye for now..

Inihatid namin sa NAIA si kuya kanina. Pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon, balik-Saudi na ulit siya para magtrabaho.

Ano ba ang tumatakbo sa isip ko kanina? Mahirap pala ang umalis ulit,yung tipong pangalawang alis mo..inilagay ko kasi ang sarili ko sa sitwasyon ni kuya...parang di ko kaya. Sa unang pag-alis kasi base sa naranasan ko iba pa ang pakiramdam, andun pa ang excitement kasi bagong lugar, bagong adventures at misadventures atbp. Pero kanina, grabe...ako kasi ang nagbitbit ng bag na dala niya, pakiramdam ko tuloy eh ako ang aalis...mahirap...napaiyak talaga ko.

Kaya ang masasabi ko lang, saludo ako sa mga OFW!

1 Comments:

At 1:44 AM, Blogger simplyme said...

mahirap talagang umalis...pero mas mahirap pag hindi umalis at maraming umaasa sa yo...

 

Post a Comment

<< Home