Friday, January 28, 2005

Mata

Kamusta na,
nandyan ka pa ba
Wala na yatang magagawa kundi tumawa

Nandyan pa ba
mga ala-ala
Ang tanging bagay na naiwan sa 'ting dalawa

'wag na paikutin ang isa't isa
Lahat ng bagay ay malinaw na
Hindi na rin kailangan pagpilitan pa
'di mo na kinakailangan pang magsalita

Nakita ko na lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sa iyo

1 Comments:

At 5:25 PM, Blogger alternista said...

ikaw lng nmn so far ang "eyes" ng buhay ko..wla ng iba...dhil wla...suntok sa mars at sa jupiter c mr. unknown....ang nationality....prinsipe ng kawalan..ako ang PRINSIPE/sesa ng sablay!!!!

 

Post a Comment

<< Home