Wednesday, April 20, 2005

No Entry

/20 March 2005

minsan wala lang talaga ako sa mood
minsan naman kailangan lang talagang gumawa
kaya napipilitan akong magsulat..
pero ngayong araw na ‘to,
parang gusto ko lang magsabi ng nararamdaman ko,
pero di ko naman talaga kayang ipaliwanag…
gusto kong hanapin ang kapayapaan sa pagkatao ko...
sa buwan ko lang pala ito matatagpuan…

weird di ba? wala lang, naalala ko lang
kasi datirati lagi kong tinititigan ang buwan,
tapos naiimagine ko na kumakaway sa akin ang flag ng Amerika
kapag matagal ko na itong pinagmamasdan..

ang tahimik, parang kalmado ang lahat…
sana nga ganoon palagi..
di ko alam kung ano na naman ang sumaksak sa kukote ko
kaya ko naiisip ang mga bagay na to…

siguro once in a while kailangan talagang tumigil kahit sandali
pagkatapos ng mga nakakapagod na araw at oras na ginugugol sa
pag-aaral, paglalakwatsa, pagdaldal,pakikipag-away, pagtawa, pag-iyak,
panonood ng tv, pakikinig sa radyo, pagkanta,pagkocomputer, pagpifriendster,
pagbablog,pag-iisip kay ------,pagpapaburn, pagbili, pagtataray, pagdadabog,
pagpapanggap…

…sawa na ko sa pagsablay
ayoko ng magsorry, sawa na kong magsisi…
pasensiya ka na..mabilis lang ito..
ako ang prinsi (pe,sa) ng sablay!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home