Lolo, Paalam
Pacifico L. Melo
May 13, 1916 - July 9, 2008
'Ang paborito kong lolo'
To my paboritong lolo:
Ang daya, di ko po naramdaman na ganoon kabilis kang aalis...
Inaway ko pa naman kayo kasi habang pinapakain ko kayo nung umaga at tanghali, lagi niyo hinahawakan yung kamay ko kaya natatapon yung pagkain niyo, lagi naman kayo ganyan, di ko talaga napansin...
Pinagalitan ko pa kayo kasi sabi ko wag niyong butbutin yung diaper niyo at tinakot ko pa kayo na itatali ko ang kamay niyo (na hinding hindi ko naman talaga gagawin kahit kelan)...
Paano na po yan?
Wala na po ako ulit katabi sa pagtulog...
Wala na akong papakainin pagkagising ko sa umaga...
Pupunasan at lo-lotion-an...
Lalagyan ng pulbos sa likod...
Lalagyan ng dahon ng saging...
Marami pa naman uwi si tatay na bagong dahon ng saging dahil sabi ko eh wala na kayong gagamitin...
Parang hinintay niyo lang din na mabisita kayo ng taga-bangko nung nakaraang araw para sa pensiyon niyo.
Kung anuman po ang mga pagkukulang ko sa inyo, kung minsan nagagalit ako sa inyo, nais ko pong humingi ng tawad...
Pero alam niyo naman po na mahal na mahal na mahal ko po kayo...at alam ko na naiparamdam ko po iyon sa inyo...
Nalulungkot po talaga ko dahil hindi ko inasahan...ang lakas lakas niyo pa nung pinakain ko kau eh at nun pinalitan ni tito ung diaper niyo nung hapon...
Mamimiss ko po kayo...kasi mula pagkabata magkatabi na tayo sa pagtulog...
At napakabuti niyo pong tao, lolo, kaibigan, ama, asawa at mamamayan ng Pilipinas.
Lo, basta kung nasaan ka man po ngayon, alam ko na masaya na po kayo.
Hindi ko po kayo makakalimutan...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home