Monday, May 11, 2009

Para sa aking Inay atbp.

Nanay,

Happy Mother's Day po!
Sayang at mabilis na naputol ang koneksyon dahil naubos na ang aking load.
Marami po akong dapat ipagpasalamat, kulang yata ang space ng blog kung iisa-isahin ko...
Basta nanay, miss na kita..miss ko na kayo...ang mga luto niyo, matulog sa tabi niyo ni tatay...uuwi na ko! Hehe :) Love you po!

Tita Norma,

Salamat po sa pagiging isang mabuting tita-mommy namin...sa pagtulong sa aming mga magulang para kami ay mapalaki ng maayos...Salamat po sa lahat!
Gala tayo pag-uwi ko, hehe, simba tayo sa Quiapo :)

Ate Lha,

Umayos ka! Hehe, palakihin mo ng maayos ang makulit at mataray kong pamangkin! Go go go!

Lola, happy mother's day! Salamat sa aking tatay. Salamat sa lahat kahit na maraming pagkakataon na hindi tayo ok naging mgabuti pa rin kayo sa amin. Magkasama na ba kayo ni lolo?! Bati na kayo ha!

Sa lahat ng mga nanay, ng mga ina, mga tita at mga ama, anak na naging nanay ang role sa pamilya - saludo po ako sa inyo!

Pagpalain po tayo ni Lord :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home