Friday, December 24, 2010

Thank You Lord!

Maligayang Pasko po!
Marami akong dapat ipagpasalamat kay Lord kahit pa sabihing wala akong trabaho ngayon...
Lord God, salamat po sa aking mapagmahal na pamilya...
Sa aking mga tunay na kaibigan...
At sa regalo mo po sa akin - si Jes at ang kanyang pamilya :D
Salamat po dahil hindi niyo po kami pinababayaan sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa aming mga buhay...salamat po dahil mayroon kaming nakakain sa araw-araw, naisusuot na maayos na damit at may bahay na napagpapahingahan at nasisilungan, higit sa lahat, salamat po dahil patuloy po kaming nabubuhay. Nawa po ay hindi po kami makalimot na mag-share ng mga blessings na ito sa aming mga kapatid.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home