Tuesday, November 04, 2008

Isang Boteng Bacardi

03.11.08

Nagpunta kami sa Jules Bar after office hours. Sino ang mga kasama ko? Si ate Wheng, Kuya Vhin, sumunod lang si Zielo, dumating si tito at si Kuya Glenn...at sumunod pa ang mga barkada nila.

Kumain kami ng pansit bihon at um-order ng crispy pata combo (+ foster's jug) ba yun? At nang dumating sila, marami pang food. Salamat po sa libre ate Wheng, Kuya Vhin. Anyway, hindi naman ako umiinom di ba? Kain lang ako. Ano ba ang significance ng event na ito? Last bonding kay tito Rikki dito sa Dubai! Yun un! Masaya na malungkot. Pero all in all, malungkot talaga. Mababawasan na naman ang pamilya. Susunod din ako, soon! Pangako!

Isang bote lang pala ng Bacardi ang katapat, lunurin natin ang pait, lungkot at sakit na dulot ng mga di maiiwasang paghihiwalay. Pasasaan ba't sa awa ng Poong Maykapal, muli tayong magkakasama!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home