Friday, September 12, 2008

Bus

Isang araw, habang nakasakay ako sa Public Transpot ng Dubai - Bus -, napagtanto ko na:

- hindi ako pwede maging driver ng bus sa Dubai dahil masyado akong maawain
- hindi rin ganoon ka-strong ang personality ko para makipag-away o makipagmatigasan sa mga pasahero

kasi naman, pag nahuli ng RTA ang isang bus na punuan talaga, malaki kaya ang fine dun, kawawa din naman yung driver...pero minsan kawawa rin ang mga pasahero...

ang set-up kasi, yung first 12 seats sa unahan, RESERVED for LADIES yun...kasehodang me nakaupo na male passenger dun basta pag me sumakay na babae, dapat umalis yung guy doon (kasi nga limited lang yung seats for female)...

yun kahit nakapila pa yung mga guys sa bus stop o sa bus station, dapat mag-give way sa mga babae (pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kasi pag rush hour, lalo na sa may DWTC, balyahan tlaga dun ke boy o girl ka pa!)...nakakalungkot minsan...kasi parang unfair sa part nila...

At mas nakakalungkot:

Given na na hindi maganda ang amoy ng mga ibang lahi...masasanay ka naman eventually, pero yung mga ibang Pilipina, nakakalungkot ang behavior, pinapaalis talaga to the point na ang 'mean' na nila dun sa mga ibang lahi na lalaki...nakakalungkot lang, baka isipin nila, lahat ng Pilipino ganoon ang attitude..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home