Monday, February 22, 2010

Pasaway Saturday

What: Dinner with friends and habibi (Diane, Miel, Marlon & Jes)
Where: Sweet Solutions
When: Feb. 20, 2010

Bakit naging pasaway? Kasi nagkayakagan sa Tagaytay bandang 9pm (na usually dapat eh ume-exit na ko sa eksena para umuwi) at sumama ako against my father's will. Sabi niya bahala na raw ako at wala na rin naman daw siyang magagawa. Ayun 12:30am na kami umuwi. Ok na sana, na-enjoy ko naman yung moment kahit na guilty ako kaso pag nakakareceive ka pa ng text na hinahanap ka at badtrip na sila nakakalungkot lang.

Nakakamiss din yung mga Dubai moments ko na naglalakad ako sa kalsada bandang ala una ng madaling araw. Iba yun eh. Malaya. Don't get me wrong. Nauunawaan ko kung bakit parang hindi favorable ang sitwasyon sa akin ngayon, hindi ko lang alam kung hanggang kailan ganito at kung pwede bang magcompromise dahil sa palagay ko eh nasa tamang edad na ko para magdesisyon. Sa set-up kasi namin malamang hindi pwede, hindi uubra..ganun talaga eh. Alam ko ginagawa lang nila 'to kasi mahal nila ko at ang tangi ko na lang magagawa sa ngayon eh magpasalamat at umunawa.

1 Comments:

At 12:17 AM, Blogger simplyme said...

sabihin mo ng bad ako pero....AGREE ako sa ginawa mo (sana wag magalit si tatay sa akin...he he he!!!)paminsan minsan maging bad ka...di ba sabi nga nila kung san ka masaya gawin mo...ikaw rin ang may sabi sa akin nun d ba...kaya ka nga umuwi ka di ba dahil yan ang magpapasaya sa yo? keep praying...malakas ka naman kay bro...saka ganon lang talaga mga tatay...

 

Post a Comment

<< Home