Sunday, April 11, 2010

Mga kwentong...ano nga ba?

Matagal tagal na rin mula ng huli akong mapadaan dito...
Ano ba ang nagbago?
May trabaho na ako...
Malapit na ang birthday ko...
Di na naman ako kinakausap ng tatay ko...
Naranasan ko na ang di kausapin ng mahal ko...April 3 un for the record, mabuti na ang may back-up para sa utak kong may sakit na 'di sinasadyang pagkalimot'
Ano pa ba?
Nasasanay na ko magbyahe sa bus...grabe, effort! Close ko na nga mga kundoktor ng Jasper eh...siyempre biro lang.
Meron pa ba?
Wala na...


***

Bakit kahit nagtatampo ako o naiinis, pag nakita ko na siya, nawawala na ang lahat ng yun?
**Eh di wag na lang magtampo, sayang lang ang effort :D
Siya kaya, ganun din ba ang nararamdaman niya?
Turning 9 months na kami...bilis ng panahon..parang kailan lang.
Masaya ko na andiyan siya. Eto 'yung pag-ibig na ipaglalaban ko talaga :)

1 Comments:

At 4:37 AM, Blogger Libido said...

bakit hindi mo siya sulatan?
yung buong pusong liham..

at ssaka ka manalangin habang pinababasa mo sa kanya..


swerte ka jan kay pare..

 

Post a Comment

<< Home