Wednesday, April 20, 2005

Gitara

Tunog mo'y kahali-halina
Kaysarap pakinggan sa tenga,
Bawat himig na naririnig
Ay talagang kaaya-aya.
Himig na nalilikha
Humahaplos sa aking mukha,
Pag-ibig ko at paghanga
Unti-unting lumalala.
Pag-ibig na nga kaya
Itong aking nadarama,
Bigay ka ba ng tadhana
At sa akin ay nakatakda?
Bawat sulyap mo sa bintana
Sa aking puso'y laking tuwa,
Ang musikang naririnig
Sa iyo pala nagmumula.
Kaligayahan ko'y lubos
Halos ako ay maupos,
Tulad ng kandila, natutulala
Sa pagtitig sa iyong mukha.
Gitara ang siyang pinagmulan
Himig na iyan na kung saan,
May lagusan bang dinaanan
At puso ko ang pinasukan?
yan ang pinakafavorito ko sa lahat ng mga tulang nagawa ko...so far...haha Ü...mga makata days...nun hayskul...nagpapanggap...Ü

0 Comments:

Post a Comment

<< Home