Friday, October 31, 2008

Atlantis

Cool!

Friday is rest day so we went to Atlantis, Palm Jumeirah.
Hmmm..it's a beautiful place. Lotsa fish. Cool concept.

I can't compose a decent entry now. I don't know. I'm happy and I'm sad. Tito will be leaving soon. Bye Dubai, Welcome Singapore.

Let's see. Maybe, one year from now, I will go there too.
Let's see.
Let's see.

If it is God's will, so be it!

Lead us Lord.

Wednesday, October 22, 2008

OFF today

Ewan ko ba.
Hindi ako nasisiyahan sa trabaho ko.
Ok ang mga kasama, yung work yata ang di ko talaga kaya.
Feeling ko bumabalik na naman ako dun sa una kong trabaho sa Pilipinas.
Doon - tao ang problema ko.
Ngayon - makina at tao.
Ang hirap. Parang lagi na lang merong 'moral obligation.'
Nagpapasalamat ako kay Lord kasi meron akong trabaho.
Totoo.
Nahihirapan lang siguro ko, at palagay ko, meron siyang dahilan kung bakit dito Niya ko dinala.
Ano kaya ang dapat kong matutunan?
Ang iniisip ko na lang ngayon, mahirap magresign kasi nagbago na ang mga rules dito sa UAE.
At, yung mga pera na nahiram ko na kailangan kong mabayaran.
Pero sabi nga ni tita, kung hindi ko kaya, umuwi na lang ako ng Pilipinas.
Hindi naman sa iniisip ko na 'talunan' ako pag umuwi ako, na para bang wala akong napatunayan.
In the first place, wala naman akong dapat patunayan sa mga nasa Pilipinas, ang iniisip ko lang, gusto ko talagang matulungan ang pamilya ko..

Ano ba ang gusto ko?

Gusto ko lang naman, meron akong trabaho. Maayos na trabaho, maayos ang sweldo, 2 days rin ang off, at higit sa lahat (bukod sa mababait ang mga kasama) PEACE OF MIND!
Yung tipong pag nagawa mo na ang trabaho mo sa buong maghapon, uuwi ka ng masaya dahil meron kang na-accomplish..
At bukas, ibang chapter naman.
Hindi yung parang araw-araw na lang, hanggang sa pag-uwi mo, meron ka pa ring iisipin.
Kahit sabihin nila na wag mo dalhin sa bahay yung trabaho mo, madali lang yun sabihin, pero pag nasa sitwasyon ka na, hindi na yun ma-a-apply.
Pwede ba magswitch off ng mobile? Hindi, hehehe...lokohan na to!

Ok pa naman ako.
Di ko lang kaya yung mag-isa talaga sa Hire, aminado naman ako na di ko kaya yung responsibility na mag-isa.

Ipagdasal niyo po na kung anuman 'tong mga pinagdaraanan ko, internal struggle man ito o hindi, nawa po ay makayanan ko.

Salamat

Thursday, October 09, 2008

.wasted.

bakit kamo?

una, tapos na ang ramadan...ibig sabihin, pagabihan na naman kami ng uwi (di ba zielo? pinakamaaga na yata uwi ni zielo 9pm)...

pangalawa, dahil under pressure kami sa hire, lalo na noong nakalipas na exhibit kung saan marami pang mga bagay bagay na naganap, dumami yata lalo ang mga kumag na tagihawat sa aking fez..

buti na lang meron akong ate May, Kuya Boyet, Ate Aina, Kuya Mario at Ate Teo sa Hire, kung hindi, collapse na ko, hehe..

un...

ngaun, late na naman kami lalo nakakauwi dahil nga sa mga exhibit na nagaganap sa DWTC...o di ba napakasaya, antay ka ng bus ng 1-2 hours tapos ang travel time ay 1 hour kung di traffic, gudlak!

pero kahit ganoon, masaya pa rin ako, kasi ako ay nabubuhay at patuloy na ginagabayan ng ating Panginoon :)