Saturday, January 16, 2010

Adiktus. Ibang level!

Weh. Eto na naman. Tinutukso-tukso ang isip ko.
Adiktus na ba ko? Ano na naman bang kabaliwan ang pumapasok sa isip ko?
Sa tingin ko wala naman ako iniisip, o masasabi ko bang in denial lang ako sa isiping 'yon? Kasi bakit ko nararamdaman na down ako ngayon...bakit nga ba?
Ayoko na nga. Itutulog ko na lang 'to.
Tomorrow will be another day...hopefully pag gising ko wala na 'to.

---
Teka, bakit ba ang dami kong issues sa buhay? ;[

---
Ella, gumising ka na! Napakaraming bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Kanya!

..un na, kinausap na ang sarili.

Thursday, January 14, 2010

Lost

in my own thoughts..

I really think that I should get a job, soon!
Sigh...I think I'm going mad...huhu, please keep me sane.
Just one bear hug..please.

Bye for now..

Inihatid namin sa NAIA si kuya kanina. Pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon, balik-Saudi na ulit siya para magtrabaho.

Ano ba ang tumatakbo sa isip ko kanina? Mahirap pala ang umalis ulit,yung tipong pangalawang alis mo..inilagay ko kasi ang sarili ko sa sitwasyon ni kuya...parang di ko kaya. Sa unang pag-alis kasi base sa naranasan ko iba pa ang pakiramdam, andun pa ang excitement kasi bagong lugar, bagong adventures at misadventures atbp. Pero kanina, grabe...ako kasi ang nagbitbit ng bag na dala niya, pakiramdam ko tuloy eh ako ang aalis...mahirap...napaiyak talaga ko.

Kaya ang masasabi ko lang, saludo ako sa mga OFW!