Wednesday, July 30, 2008

Walk-in

We ate breakfast by 8:30am.
Took a bath.
Ironed the clothes (not-that-semi-formal-attire)..(Zielo: We don't want to be caught) by 9:30am.
Set off to walk and braved the scorching summer heat...we don't even know how to put a li'l make up so we would look more or less presentable.
Submitted the CV to Reef Mall.
Walked.Walked.Walked.
Talked to the security officers of Renaissance Hotel and submitted the CV where? At the Security Office, 'can you see the letter P? Don't go to the basement'. (pero ano'ng ginawa namin, punta pa rin kami dun, hehe..)sabihin na lang natin na slang ang mga officers...di namin maintindihan!!!
Walked.Walked. There are a lot of Kabayans here. They greeted us. Walked again.
We reached another mall, near Sheraton Deira Hotel, I don't know the name of the mall. Sorry.
waah..natatamad na ko magkwento, antok na...
Basta:
taxi ride going to deira city centre - 7.50 dhs
MAF Bldg. (we took the lift to go down)
The security officer here is not accomodating like the previous ones so we did not submit our CV there, sayang, Al Futtaim group ata un...tsk tsk....
We took the lift again, to go back to City Centre level 3. Mga baguhan kami, di namin alam kung bakit ayaw tumaas...hehe, napindot ko letter C (para saan un?) later i'll explain...bumukas un door...me sumabay sa amin na good looking na di namin alam kung ano'ng nationality, pero magaling siya mag-English, mukhang Indian, basta guapo (un un eh!)...hehe kinausap niya kami. Sabi niya kahit ano daw gawin namin di kami aakyat kasi mali un pinipindot namin..hehe, nice nga siya, nakakatuwa kasi ganun din daw gnawa niya dati...

lesson/s learned: magmasid.
pumindot para makatawid.
mag-English.
be nice kahit adik ang kausap.

basta dami pa. antok na kami. kakapagod kaya sa labas. sobrang init!

Sunday, July 27, 2008

Dubainess

After Lolo's sad departure (+), another big turn happened to me a few days ago.
I'm here in Deira, Dubai as of the moment...still can't believe it myself..
New culture, new place...waaah! This is not a dream at all!
Good thing my tito let us use his laptop for a week, atleast we'll be able to communicate to our loved ones...grabe!

Miss ko na kayo, family ko! Friends at Pinas!

Thursday, July 10, 2008

Lolo, Paalam

Pacifico L. Melo
May 13, 1916 - July 9, 2008
'Ang paborito kong lolo'
To my paboritong lolo:

Ang daya, di ko po naramdaman na ganoon kabilis kang aalis...
Inaway ko pa naman kayo kasi habang pinapakain ko kayo nung umaga at tanghali, lagi niyo hinahawakan yung kamay ko kaya natatapon yung pagkain niyo, lagi naman kayo ganyan, di ko talaga napansin...
Pinagalitan ko pa kayo kasi sabi ko wag niyong butbutin yung diaper niyo at tinakot ko pa kayo na itatali ko ang kamay niyo (na hinding hindi ko naman talaga gagawin kahit kelan)...
Paano na po yan?
Wala na po ako ulit katabi sa pagtulog...
Wala na akong papakainin pagkagising ko sa umaga...
Pupunasan at lo-lotion-an...
Lalagyan ng pulbos sa likod...
Lalagyan ng dahon ng saging...
Marami pa naman uwi si tatay na bagong dahon ng saging dahil sabi ko eh wala na kayong gagamitin...
Parang hinintay niyo lang din na mabisita kayo ng taga-bangko nung nakaraang araw para sa pensiyon niyo.
Kung anuman po ang mga pagkukulang ko sa inyo, kung minsan nagagalit ako sa inyo, nais ko pong humingi ng tawad...
Pero alam niyo naman po na mahal na mahal na mahal ko po kayo...at alam ko na naiparamdam ko po iyon sa inyo...
Nalulungkot po talaga ko dahil hindi ko inasahan...ang lakas lakas niyo pa nung pinakain ko kau eh at nun pinalitan ni tito ung diaper niyo nung hapon...
Mamimiss ko po kayo...kasi mula pagkabata magkatabi na tayo sa pagtulog...
At napakabuti niyo pong tao, lolo, kaibigan, ama, asawa at mamamayan ng Pilipinas.
Lo, basta kung nasaan ka man po ngayon, alam ko na masaya na po kayo.
Hindi ko po kayo makakalimutan...