Bakit 'kamo?
Ganito yun, nagluto ako ng adobo bandang alas-onse ng tanghali kahapon, dahil nakatakda akong magplantsa ng aking mga damit...Niluto ko na ang kakaunting butu-buto na natira mula sa aming pinamili noong isang linggo.
Nagluto na ako para sa buong maghapon - tanghalian ko, at hapunan namin ni Zielo.
Subalit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang inaasam na kaunting adobo ay biglang naglaho! Korek! Nagdisappear, walang trace! Walang clue. Huli na ng malaman ko na ang pinaghirapan kong eksperimento ay hindi na matitikman ni Zielo..
Magkahalong pagkainis at lungkot ang aking naramdaman. Napapaiyak ako na napapatawa habang ibinabalita ko kay Zielo na ang ulam namin ay nawala na. This is the first time, sa aking pagkakaalam..
Ano ba ito? Bakit ba ako nagsisintir? Hindi sa nagdadamot ako o kami, kaya lang, ano ang mararamdaman mo kung akala mo meron ka ng pagkain na nakahanda tapos biglang nauwi sa wala. Mahirap yun, yung inaasahan mo na meron pero wala na pala, dahil kinuha na ng iba. Hindi lang ito isyu sa pagkain...kahit saan, nararanasan natin yan. Tama o mali?
Yun lang ang point. Kita mo na?