Saturday, June 27, 2009

New House

26.06.09

Kahapon: 11 months na kami sa Dubai, 11 months na kami magkasama ni Zielo dito, sa hirap, saya, badtrip, lungkot, misa, SFC activities, gala, tambay, nood ng downloaded movies, iyak, tawa, drama, kain, reklamo atbp.

10 months na rin ako sa Rapid...

Ngayon: Lumipat na ako ng Karama minus Zielo. Malungkot. Kulang. Pero kailangan... pinilit kong ihanda yung sarili ko habang papalapit 'tong araw na 'to, mahirap pala pag dumating na yung pagkakataon ng paghihiwalay...pede naman itago ang lungkot, kaya minabuti ko na lang na ganoon...

Mixed emotions, nawa ay maging maayos naman ang lahat, sa lilipatan ko, at sa lilipatan niya.

Lord God, please guide us always lalo na at hindi na kami magkasama. Salamat po kasi si Zielo yung nakasama ko dito...May God be praised!

Monday, June 08, 2009

Na naman...

Ang alin?
Bumalik na naman yung naramdaman ko dati, napost ko rin yun dito kung di ako nagkakamali...
Nu'ng una, umaasa ako na meron kami uulamin ni Zielo dahil nakaluto na ko, yun yung missing adobo...
Ngayon naman, balak ko sana magluto ng sopas...ngayon ko lang naalala na wala pala kaming binili na repolyo, ayos lang, me patatas naman at carrot (isa lang eh, carrot lang)...namboogie! Pagbukas ko ng ref at ng plastic na kinalalagyan nun dalawang gulay wala na yung patatas...anak ng kamote naman!

Selfishness ba na matatawag ito? Sabihin ng selfish, nakakairita lang, ayan na naman, aasa asa ka na meron tapos pag punta mo dun sa kusina wala na...nakakawalang gana...hindi na ko magluluto ng sopas, ano itsura nun? Lulutang yung carrot, baka malunod pa siya sa dami ng sangkap, wag na lang...

Ano ba ang badtrip dun? Hindi ba nila naisip na kaya mo binili yun eh meron kang balak paggamitan nun?!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bwiset!

ABSENT!

Absent ako today.
Dahilan: Sakit ng tiyan at katamaran.
Bakit: Naguguluhan na naman kasi ako, kailangan ko ulit ng oras para mapag-isa.
Bakit: Gusto ko na kasing umuwi ng Pilipinas.
Bakit: Miss ko na ang pamilya ko.
Bakit: Tamang pakiramdam lang siguro 'to...hindi ko na idi-justify, tatanungin mo na naman ako kung bakit eh halos naka-isang taon na ko dito...Yun na nga eh, akalain ko yun?! Halos maka-isang taon na ko dito...waaaaah..ang hirap kaya...
Bakit: Iba kasi kapag kasama mo ang pamilya, though hindi naman pwede na lagi ka na lang nasa comfort zone mo...pero yun, ito lang talaga nararamdaman ko...mahirap daw ang buhay sa Pilipinas, lalo na ngayon, di ko naman itinatanggi yun eh...alam ko, pero mas ok yata na kasama ko sila kesa hindi...
Basta. Hindi ko pa alam. Pero anuman ang mangyari, anuman ang maging desisyon ko, nawa yun ang will ni God para sa akin.