Monday, February 22, 2010

Pasaway Saturday

What: Dinner with friends and habibi (Diane, Miel, Marlon & Jes)
Where: Sweet Solutions
When: Feb. 20, 2010

Bakit naging pasaway? Kasi nagkayakagan sa Tagaytay bandang 9pm (na usually dapat eh ume-exit na ko sa eksena para umuwi) at sumama ako against my father's will. Sabi niya bahala na raw ako at wala na rin naman daw siyang magagawa. Ayun 12:30am na kami umuwi. Ok na sana, na-enjoy ko naman yung moment kahit na guilty ako kaso pag nakakareceive ka pa ng text na hinahanap ka at badtrip na sila nakakalungkot lang.

Nakakamiss din yung mga Dubai moments ko na naglalakad ako sa kalsada bandang ala una ng madaling araw. Iba yun eh. Malaya. Don't get me wrong. Nauunawaan ko kung bakit parang hindi favorable ang sitwasyon sa akin ngayon, hindi ko lang alam kung hanggang kailan ganito at kung pwede bang magcompromise dahil sa palagay ko eh nasa tamang edad na ko para magdesisyon. Sa set-up kasi namin malamang hindi pwede, hindi uubra..ganun talaga eh. Alam ko ginagawa lang nila 'to kasi mahal nila ko at ang tangi ko na lang magagawa sa ngayon eh magpasalamat at umunawa.

Saturday, February 20, 2010

*SIGH*

I'm so frustrated and I just can't hide it!
Frustrated with how my phone interview turned out. I screwed up big time. *sigh* Still hoping for the best though.

Today is another unglamorous day. I'm feeling weird and all. Guess this is the result of last night's anxiety after a wonderful evening in Tagaytay with ate and her BFFs (welcome to the real world, you have a scheduled interview -8am) + PMS + the summer heat. Don't want to feel sorry for myself, never again.

Wednesday, February 10, 2010

Homecoming - Feb 6, 2010

I'm so glad I was there.
To all those who made the event possible, I sincerely thank you: Erika & Johnny, Jes, Fame, RJ, Toni & Carlo, Mespher and Roy (dinner after work at Erika's place to plan) .

It's nice to see all of you:
Richard Legaspi
Aisa Lentejas
Toni Rose Sasis/Carlo Salimbangon
Diane Monzon
Marlon Camerino
Fame Pascua
Mespher Hernandez
Miko Majarais/Joven
Erika Sauler/Jourdan Diato
Crystal May Ybanez
Augusto Filomeno Jr.
Ray Tingco
Roy Tingco
Jerwin Ramirez
Rowan Villanueva
Estila Montines
RJ Rodriguez
Monette Coyoca
Julie Ann Lara
Grace Pablo
Bethel Solano
Jonathan Samala
Raymond Escobido
RM Aplaon
Jeshryl Aranzaso
pahabol: Ariston Martinez Jr.

Next project: Summer outing? :]

Monday, February 01, 2010

Malungkot..

Paano ba dapat i-express ang nararamdaman?
Salamat sa mga luhang ayaw nang magpapigil sa pagpatak.
Dapat ba akong magalit? Bilang isang indibidwal na umuunawa sa sitwasyon, ang sagot ay hindi. May dahilan kung bakit ganoon siya sa akin, sa amin. Pero nasasaktan ako at nahihirapan dahil pakiramdam ko, naiipit ako sa dalawang nag-uumpagang bato (yung isa naman wala talagang balak makipag-umpugan, gusto lang din niya malaman kung ano ang pinag-uugatan ng mga pangyayari at minsan bilang konsolasyon ay nag-iisip na lang din siya ng mga positibong dahilan kung bakit nga ganoon ang pinagdaraanan namin).

Bawal ba maging masaya?

busted

Paano ba maging masaya kung alam mong nasasaktan siya dahil sa 'yo?
Hanggang kailan niya uunawain ang sitwasyon na alam niya na wala ka rin namang magawa kahit gustuhin mo pa?
Sapat na ba na mahal niyo ang isa't isa para magpatuloy?

Alam ko na ang pakiramdam ng isang baliw - ang hirap. Gusto mong patahimikin ang utak mo pero pilit siyang nagpupuyos. Akala ko kagabi na ang huling gabi na nasa tamang katinuan ang isip ko...if not for God I know I would've lost it, seriously. Kahit di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang taong nag-aadik, yun ata ang naramdaman ko kagabi. Hindi ko alam kung epekto lang 'to ng sobrang pagkakape nang nagdaang hapon pero talagang nahirapan akong pakalmahin ang sarili ko. Ngayon ko lang 'to naranasan. At gusto ko talagang maniwala na kagabi ang isa sa pinakamahirap na gabi sa buhay ko...na para bang alam ko na pag di ko nakontrol yung nararamdaman at naiisip ko sasabog na ko.

Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko maging masaya ka. Ayokong maging dahilan ng iyong kalungkutan. Ikaw lang ang dahilan kung bakit sa palagay ko ay nananatili akong 'sane.' Kung pwede lang na makasama na kita habang nabubuhay ako..pero alam ko naman na sa realidad - hindi ganoon kadali yun.

Dito na lang ako sisigaw AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Sana malunod nang pagsusulat yung lahat ng sakit na nararamdaman ko. Yung sakit na nararamdaman mo.