Wednesday, June 06, 2012

:(

If that song was meant for me, then you should be sorry.


Saturday, July 30, 2011

Usap

Nag-usap kami nina tatay at tita kanina...mula sa pagpapa-ayos ng garahe, mga baka, lupa, buhay atbp.
Nakakatawa lang, gusto ko ngang i-record kasi medyo nakainom si tatay, di ko alam kung sasabihin pa rin niya yung mga sinabi niya kung sober siya o baka dahil di niya masabi ang mga bagay na 'yun kung di siya nakainom...

Tay, I'm praying and hoping that when that day comes, you'll be there to walk me down the aisle :)

Updates

Outdated.
What's new?
Been working since March 16, 2011.
Harry Potter ended last July 17 for us - my first IMAX 3D film for the win!
Celebrated our 2nd year anniversary :) Love love love...
Went to:
Laguna and Davao - May 2o11
La Union - July 2011

there.more to come.hoping for the best.

Tuesday, March 01, 2011

:| part 2?

March na...wala pa rin akong trabaho.
Masaya naman ang nagdaang araw...ikinasal na ang mga kaibigan kong sina Miel at Diane, nagBaguio ang pamilya kasama si Jes..
Ayun...harinawa, matagpuan ko na ang lugar ko sa daigdig.

Monday, February 21, 2011

The Taylor Swift Experience

Yeah right..lucky we were able to watch the concert even if we were kinda far from the concert stage.
Sam Concepcion and Taylor's performance were superb, though I'm not really a fan of her (it's my boyfriend who actually got us the tix hehe..) I'll have to admit that I did like the show.

Funny thing is, prior to the event, I had to buy some stuffs because I spilled my drink...I was like - STUNNED I was not able to move quickly...and take note, we were eating at Burger King (foodcourt)! Damn. Good thing I have this good guy beside me who actually handed me his towel and all and accompanied me to buy stuffs like the walking shorts and flops and all. I sooooo love him...my one and only Jes :)

Friday, February 18, 2011

Got a SUPER BIG BEAR :)

Mahal qo surprised me with a super big teddy last Feb 14.
Big grin. Super kilig. Super like. What more can I say?
To date, yun na ang pinakamalaking bear na meron ako ...sarap yakapin, feeling ko siya ang niyayakap ko every night :)
and yeah, the name of the bear is EHRYS...got those letters from his name :D
there :)

Monday, January 10, 2011

Damned

Darn!
That was so pathetic...
I don't know what got into me to even ask him about that question.
Stupid, yeah.
How am going to face him and look him in the eye? :(
What the hell was that for?
Aaaaaaaarrggggh!
Guess I have to check my sanity - if it's still intact.

Saturday, January 01, 2011

chigaw box!




ShoutMix chat widget

Friday, December 24, 2010

Thank You Lord!

Maligayang Pasko po!
Marami akong dapat ipagpasalamat kay Lord kahit pa sabihing wala akong trabaho ngayon...
Lord God, salamat po sa aking mapagmahal na pamilya...
Sa aking mga tunay na kaibigan...
At sa regalo mo po sa akin - si Jes at ang kanyang pamilya :D
Salamat po dahil hindi niyo po kami pinababayaan sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa aming mga buhay...salamat po dahil mayroon kaming nakakain sa araw-araw, naisusuot na maayos na damit at may bahay na napagpapahingahan at nasisilungan, higit sa lahat, salamat po dahil patuloy po kaming nabubuhay. Nawa po ay hindi po kami makalimot na mag-share ng mga blessings na ito sa aming mga kapatid.


Sunday, December 12, 2010

:(

Puro buntung hininga...hay...ayoko na ng ganitong pakiramdam promise.
Kinda disappointed. :(
Lord, help me to overcome the emotions that are building up inside me right now.


Friday, December 03, 2010

...thought...

When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it. - P. Coelho

I believe that I have to find out what it is that I really want...and what God wants me to do. And I hope that I'd find it out soon.

Tuesday, November 23, 2010

:|

I'm not sure if what I did is something stupid.
This is the first time that I actually did something like that for a person that I love!
Naknang...sana naman worth it. At sana naman na-appreciate niya :(

Sunday, November 21, 2010

Downtrodden

Tama ang hula ko, pag-open ko pa lang ng site, yun na ang naisip ko eh...
Di ko to dapat isulat pero gusto ko lang ilabas ang mga saloobin ko...
sa paraang ako na lang ang makakaintindi para wala ng mga complications...

Andami ko na namang insecurities sa buhay...at palagay ko nagrereflect naman nga sa mga reactions ko nitong nakaraang araw..negative..alam ko hindi dapat magpaconsume sa emotion pero hindi ko alam kung paano ko mapipigilan...lalo na ang mag-isip...

Ayaw kong makipagkumpetensiya. Alam ko naman. Kailangan ako mismo ang magbalanse sa buhay ko. Hindi pwedeng dun na lang ang ikot...may iba pa. Hindi pwedeng ibuhos na lang dun lahat dahil pag nagfail yung isang bagay na yun na pinanghahawakan ko, ano na? Paano na ko babangon?

Pakiramdam ko hindi ako pwedeng magalit, kasi pag ako ang nainis, ako pa rin ang talo sa bandang huli...sa akin pa rin ang balik...masakit sabihin dahil hindi ko 'to gustong palabasing negatibo sa kahit anumang paraan..wala nga lang akong maisip na salita para sabihin kung ano 'to...kung mind game 'to - hindi talaga ko mananalo.

Masayang maging masaya at malungkot kapag malungkot. Naranasan kong manood ng sine mag-isa, kumain ng fro-yo mag-isa at hindi siya masaya.

Thursday, November 18, 2010

16 at 18 :)

Today marks our 16th month of being together :)
Today also happens to be the opening of Harry Potter 7 Part 1...
I would like to thank Hermione Granger and Ronald Weasley for the inspiration -- friendship that blossomed into a good romantic relationship..what more can I say?

Thank You Lord!

Tuesday, November 16, 2010

Thankful

Kung may isang bagay sa buhay ko na masasabi kong sigurado ako, yun ay walang iba kundi gusto kitang makasama habambuhay...

Alam ko matagal pa, pero ipinagdarasal ko sa Diyos na ikaw na talaga...ganoon siguro kita talaga kamahal...haist...buti na lang andiyan ka...

Salamat Lord God for your gift...sabi nga ni Toni Gonzaga sa "My Amnesia Girl" pandesal lang naman hinihingi niya, binigyan mo pa siya ng fries etc...or something to that effect...

Monday, October 11, 2010

Pagsubok

May isang malaking pagbabagong magaganap sa buhay ko sa araw na ito.
Noong una kong marinig na magiging 4pm to 1am na ang pasok ko mula Oct. 11, negatibong emosyon agad ang bumalot sa aking pagkatao dahil sa mga dahilang dati ko pa alam:
- di ako night person
- ayoko ng panggabing trabaho - kung gusto ko, sana noon pa, nag-apply na ako bilang isang cc agent
- ayaw ko talaga

Naisip ko noong panahong medyo kumalma na ako, sige, susubukan ko kahit isang linggo...pag di talaga kaya eh di umalis.
Ayan na naman. Umalis. Magresign. Ayoko naman na wala akong trabaho lalo na ngayo't magpaPasko...ang hirap na namang magdesisyon.
Kinausap kami noong Biyernes. Natapos na ang diskusyon. Alam ko na ang mga ekspektasyon ng kumpanya sa akin, sa amin. Siguro nga mayroon kaming mga pagkukulang. Hindi namin ibinigay ang lahat. Hindi namin ginawa ang mga dapat gawin. Paglabas namin ng conference room, parang nagkaroon ng bagong sigla - sige susubukan ko - papatunayan ko kung ano ang kaya kong gawin.
Pero ngayon, Lunes na, ito na ang totoong buhay...hindi ko na naman alam kung ano ang gusto kong maramdaman.


Saturday, September 25, 2010

1week.2weeks.

I miss him.
There are times when all I'd like to do is stare at him, hug him, kiss him.
I guess, that's all I can say for now.

Umayos ka!

Ang daming nangyari nitong nakaraang araw at ang tanging gusto kong gawin ay lumayo, pumunta sa isang tahimik na lugar at magmuni-muni.

Nakakairita. Ang pagod na naramdaman ko ay mas matindi pa dahil sa totoo lang 'emotionally exhausting' 'yung mga pangyayari.

Sa mga tao, kailangan siguro nating umakto ng tama, hindi na tayo mga bata. Harinawa, maayos na 'to at huwag nang lumalim pa ang isang alitan na sa tingin ko ay wala namang idudulot na maganda sa trabaho.

Saturday, August 14, 2010

Ngiti lang :)

Ang dami ko nang hindi naisulat, ibig sabihin, umaasa ako na hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga pangyayari na 'yon sa buhay ko :)

Isang taon na ang nakalipas mula nang magdesisyon ako na 'yon na ang tamang panahon para sabihin ang totoo kong damdamin para sa isa mga malapit kong kaibigan. Isa lang ang sigurado ako, hindi ko 'yon pinagsisisihan.

Tuesday, June 01, 2010

Kathang-Isip

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Lagi na lang ba tayong ganito?
Mahabang katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang mali sa ginawa ko, kung meron ba kong nasabing hindi maganda.
Hula. Isip. Isip. Isip.
Hindi ba pwedeng i-cancel ang sked sa kanila para makapag-usap tayo?
Sabagay, unawain ko na lang din siguro, baka nagpa-appointment ka pa dun..ay 'Ella, bitter ka masyado'..kasi siguro lang kahit paano eh umasa ko na makikipagkita ka sa 'kin..---eh ano naman panama mo dun eh naka-schedule na yun..yung sa 'yo biglaan lang - suntok sa buwan lang naman di ba? Di ka naman dapat umasa na magkikita talaga kayo in the first place...oo nga naman, may malaking point..
Nakakapagod mag-isip. Nakakaiyak. Kanina sobrang naiiyak na talaga ko kung saan ako nakatayo, pinigilan ko lang dahil sobrang dami ng tao na dumadaan sa harap ko...at ayoko na rin naman hanapin ang washroom at baka mamula lang ang mata ko kung hahayaan kong humulagpos yung mga luha na gusto pa yatang mag-unahan sa pagpatak (excited?).
Alam ko unfair talaga ang sitwasyon..agrabyado sa side mo..at di talaga maiwasan na maging issue yan sa panahon na hindi ko alam kung hanggang kailan o kung may hangganan...suko na ba?

Monday, May 10, 2010

May 2010 Elections

Glad to be a part of the first automated election in the country..just hoping and praying that those who will win are the 'rightful' ones.

May God bless the Philippines.

Monday, April 19, 2010

9 months

Yehey!
Happy 9th monthsary to us yesterday...
After attending the mass at Imus Cathedral we went straight to Manila Ocean Park.
Had lunch at North Park and started the Oceanarium exploration immediately.
Thanks for the treat mahal qo!
We also tried the Glass Bottom Boat Ride and Fish Spa (super nice experience!) / Package A.

***

I'm just glad that he's honest...basta he mentioned something yesterday na I thought he wouldn't bother telling me kung sakali pero yun...though I'm not quite delighted with the news, I guess I can handle it...anyway, I'm not threatened naman...basta ako, patuloy lang magmamahal, yun na :D

Monday, April 12, 2010

I wanna sing :D

I like this line, if I remember it right, this is an OST of Enchanted:
I've been dreaming of a true love's kiss..hehe..bakit? Wala lang :D

***
I also had this realization while I was in the office...Seeing a couple holding each others hand used to annoy me...but when I got the chance to be with the one I love, there's a sudden change with the way I see it. Haha, wala lang, na-share ko lang :D

***
I miss him already...*sigh*


Sunday, April 11, 2010

Mga kwentong...ano nga ba?

Matagal tagal na rin mula ng huli akong mapadaan dito...
Ano ba ang nagbago?
May trabaho na ako...
Malapit na ang birthday ko...
Di na naman ako kinakausap ng tatay ko...
Naranasan ko na ang di kausapin ng mahal ko...April 3 un for the record, mabuti na ang may back-up para sa utak kong may sakit na 'di sinasadyang pagkalimot'
Ano pa ba?
Nasasanay na ko magbyahe sa bus...grabe, effort! Close ko na nga mga kundoktor ng Jasper eh...siyempre biro lang.
Meron pa ba?
Wala na...


***

Bakit kahit nagtatampo ako o naiinis, pag nakita ko na siya, nawawala na ang lahat ng yun?
**Eh di wag na lang magtampo, sayang lang ang effort :D
Siya kaya, ganun din ba ang nararamdaman niya?
Turning 9 months na kami...bilis ng panahon..parang kailan lang.
Masaya ko na andiyan siya. Eto 'yung pag-ibig na ipaglalaban ko talaga :)